Cropping calendar, o panahon ng pagtatanim dapat daw na i-adjust – BPI

Kailangang i-adjust ang cropping calendar o panahon ng pagtatanim sa bansa.

Ito ay ayon sa Bureau of Plant Industry Spokesman Jose Diego Roxas sa Laging Handa briefing sa harap ng banta ng El Niño ngayong taon.

Ayon kay Roxas, ibig sabihin nito na kung kaya nang magtanim nang mas maaga habang may sapat pang suplay ng tubig ay dapat na itong gawin.


Kung may aasahan naman aniyang may malubhang tagtuyot na mararanasan sa isang partikular na lugar, dapat na ma-abisuhan ang mga magsasaka upang hindi na magtanim o kaya ay ipagpaliban na muna ito hanggang sa matapos na nararanasang matinding init ng panahon at magkaroon ng sapat na supply ng tubig.

Sinabi ni Roxas, sa ngayon isinasailalim na sa pagsasanay ang mga tauhan ng Department of Agriculture at Bureau of Plant Industry upang sila naman ang magtuturo o gagabay sa mga magsasaka sa tamang panahon ng pagtatanim.

Facebook Comments