DOH, nilinaw na nananatili sa Alert Level 1 ng COVID-19 ang NCR

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Metro Manila sa COVID-19.

Ito ay matapos kumalat ang maling impormasyon sa social media hinggil sa pag-classify ng Alert Level Status (ALS) sa COVID-19

Ayon sa DOH, pinag-aaralan pa nila ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa COVID-19 ang mga susunod na hakbang.


Nilinaw rin ng DOH na nasa pagpapasya pa rin ng mga local government unit kung magpapatupad sila ng ibang health protocol sa kanilang komunidad.

Facebook Comments