Pinaghahanda na ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos ang lahat ng mga police unit sakaling matuloy sa Abril ang pagbabakuna ng mga batang apat na taon pababa.
Ayon sa PNP chief, kailangan matiyak ng mga police ang crowd control sa inaasahang malaking bilang ng mga magtutungo sa vaccination centers dahil kasama ng mga bata ang kanilang mga magulang.
Ngayon pa lang aniya ay kailangan makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga Local Government Unit (LGU) ang mga pulis.
Umaasa naman si Gen. Carlos na magkakaroon ng maayos na scheduling para hindi magkasabay-sabay ang mga bata at ang mga matatanda na nagpapa-booster shot para hindi mag-overcrowding ang mga naghihintay na mabakunahan.
Siniguro naman ni Gen. Carlos na sa oras na magbigay ng go signal ang gobyerno sa pagbabakuna ng mga bata, nakahanda ang PNP na tiyaking masusunod ang minimum public health standards sa mga vaccination centers.