Presyo ng ilang brand ng tinapay, tataas sa Pebrero

73

Iniurong ng bread manufacturer sa Pebrero ang nakatakdang taas-presyo sa Pinoy tasty at pandesal.

Ayon kay Chito Chavez ng Philippine Federation of Bakers Association Incorporated, ito ang napagkasunduan nila sa pulong kasama ang mga may ari ng panaderya.

Aniya, dapat noong Disembre pa ipapatupad ang taas-presyo pero ipinagpaliban ito para sa kapakanan ng publiko.


Giit ni Chavez, sigurado na ang taas-presyo sa susunod na buwan dahil hindi na kinakaya ng mga bread manufacturer ang mataas na presyo sa mga sangkap sa paggawa ng tinapay gaya ng harina.

Facebook Comments