Manila, Philippines – Nilinaw ni Joseph Gantan, 30 anyos, online seller na wala silang kinalaman sa naging pahayag ni Arnel Ordonio na sinampahan ng Syndicated Estafa ng CIDG dahil sa reklamo tungkol sa cryptocurrency scam.
Sa ginanap na Presscon sa Manila, sinabi ni Gantan na naloko at natangayan ng 46.7 milyong piso pero binaliktad ni Ordonio at sinasabi sa kanyang pahayag sa CIDG Kampo Krame na kasabwat umano nito ang grupo ni Gantan.
Paliwanag ni Gantan, mahigit isang bilyon piso ang natangay sa kanila ni Ordonio bukod sa iba pang upline na naloko ng suspek.
Matatandaan na noong March 11 taong kasalukuyan, nangako si Ordonio kasama ang kanyang abogado na ibabalik ang perang kanyang kinuha sa grupo ni Gantan kung saan ay pumirma umano ang suspek sa kasunduan na itoy magbabayad sa March 25 pero dumating ang petsa ng kanyang ipinangako ay hindi na nagpakita si Ordonio.
Dagdag pa ni Gantan na mayroon umano inutusan si Ordonio na si Arnie Gay Asuelo na magproseso sa pamamagitan ng bitcoin para pambayad sa kanyang kinuha pero makalipas ang dalawang araw ay hindi na nagpakita sa grupo ni Gantan.