CRYSTAL SAND | Beach sa Japan – sikat dahil sa kakaiba nitong buhangin

Japan – Kung sa malayuan ay mistulang normal view lang ang isang walang pangalan na beach sa Omura bay, pero nagbabago na daw ito kapag lumapit ka na dahil mapapansin mong hindi pala buhangin ang kumikinang kinang sa buhangin, kundi mga pino at pabilog na multicolored glass.

Ang pinagkaiba nito sa mga sikat na glass beach sa mundo ay ang recycled glass nito.

Dahil daw kasi sa mga algae na tumutubo at nagpapabaho sa lugar, napaisip ang mga residente na gawan ito ng paraan kung saan nabuo ang recycled glass beach.


Inialis ng mga residente ang mga bato ng beach at pinalitan ng mga iba’t ibang kulay na recycled glass.

‘Di lang daw nalinis ang beach, napaganda pa nila ito at naging atrakyson sa mga publiko.

Sa ngayon ay bawal pang mag-swimming sa beach nito, dahil nire-restore pa sa dati nitong anyo.

Facebook Comments