CSC Central Office, pansamantalang isinara para isailalim sa disinfection measures ang buong gusali

Inilagay rin sa lockdown status ang Civil Service Commission (CSC) Central Office simula ngayong araw, July 15, 2020 hanggang sa Biyernes, July 17, 2020.

Sa abiso na inilabas ni CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada, ipatutupad simula ngayong araw ang disinfection measures sa buong gusali nito sa Quezon City.

Pinayuhan din ni Atty. Lizada ang mga CSC client na gawin na lamang ang kanilang transaksyon ‘online’.


Sa mga nauna nang nagkaroon ng appointment sa pamamagitan ng CSC’s Online Registration, Appointment, and Scheduling System (ORAS), inaabisuhan sila na hintayin na lang ang advisory ng rescheduling ng kanilang transactions.

Facebook Comments