Mag-anak sa Pangasinan, nalason matapos umanong kumain ng itlog na pula

(Shutterstock)

Nauwi sa pagsusuka’t pagtatae ang umano’y pagkain ng itlog na maalat ng isang mag-anak sa bayan ng Aguilar, Pangasinan.

Base sa report, lima sa magkakamag-anak ang tinamaan ng pinaniniwalaan nilang food poisoning matapos kumain ng itlog na pula.

Ayon sa isa sa mga biktima, umabot pa ng kinabukasan bago nila nakain ang biniling itlog sa kapitbahay.


Nang kanila umanong kainin ay pare-pareho silang nagsuka’t nagdumi.

Ngunit mariin naman itong itinanggi ng tindera ng itlog dahil maging sila ay kumain din daw ng kanilang paninda ngunit wala raw anumang nangyaring pananakit.

Samantala, ayon naman sa Health Office ng lalawigan, maaari raw na napasukan ng salmonella bacteria ang itlog sakaling ito man ang dahilan ng kanilang pagkalason.

Facebook Comments