CSC, ligtas sa cyber threat ayon sa DICT

Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ligtas sa hacking ang system at database ng Civil Service Commission (CSC).

Ito ang nilinaw ng National Computer Emergency Response Team na sumubok sa data security ng Integrated Records Management Office ng CSC.

Bilang central personnel agency ng pamahalaan, responsibilidad ng CSC na tiyaking protektado sa lahat ng oras ang mga sensitibong data ng ahensya partikular ang mga personal information, appointment records at iba pang records patungkol sa mga services at programs ng human resource management.


Hiningi ng CSC ang tulong ng DICT bilang bahagi ng defensive position ng gobyerno laban sa cyber threats.

Facebook Comments