CSC, may paalala sa government agencies ngayong sunod-sunod ang mga Christmas party

Pinaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC) ang lahat ng government agencies na siguruhing hindi maaantala ang kanilang serbisyo ngayong sunod-sunod na na ang Christmas at year-end parties.

Sinabi ni CSC Chairperson Karlo Nograles na bagama’t hindi ipinagbabawal ang pasasagawa ng office parties dahil tradisyon na ito ngayong holiday season, dapat aniyang siguruhin pa rin na tuloy-tuloy ang pagbibigay-serbisyo ng mga tanggapan sa loob ng official working hours.

Giit ni Nograles, dapat na unahin muna ang trabaho at mga kliyente bago ang Christmas party.


Hinimok ni Nograles ang mga ahensya na i-adopt ang nararapat na working schedules gaya ng ‘skeletal force’ para maasikaso ang mga pumupunta sa mga tanggapan.

Muli ring ipinaalala ng CSC sa mga kawani ng gobyerno na bawal ang mag-solicit o tumanggap ng anumang regalo sa mga kliyente ngayong Kapaskuhan.

Facebook Comments