PBBM, nakarating na sa Belgium para makiisa sa ASEAN-EU Commemorative Summit

Matapos ang mahigit 13 oras na biyahe sakay ng Philippine Airlines 001 ay nakarating na si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa Brussels, Belgium.

Ito ay para dumalo sa ASEAN-EU Commemorative Summit.

Alas-3:00 ng madaling araw oras sa Belgium habang alas-10:00 ng umaga sa Pilipinas nang lumapag ang sinasakyang eroplano ng pangulo kasama ang kanyang First Lady na si Liza Araneta Marcos at iba pang kasama sa Philippine Delegation.


Bago umalis sa Pilipinas, sinabi ng pangulo na magiging prayoridad sa gagawing pakikipagpulong sa mga lider ng ibang mga bansa.

Mapaguusapan ang ASEAN-EU cooperation lalo na kung may kinalaman sa post-pandemic economic recovery, trade, maritime cooperation at climate action.

Ang pangulo ay nakatakdang makipag-bilateral meeting sa mga lider ng mga bansang:

-Belgium
-Estonia
-Czech Republic
-Spain
-Denmark
-Germany
-Poland
-Finland
-Netherlands
-European Union

Ito ay sidelines nang kanyang pagdalo sa ASEAN-EU commemorative summit

Facebook Comments