
Tila biglang kumambyo ang Civil Service Commission (CSC) sa nauna nitong inilabas na CSC Memorandum Circular na nagpapaalala sa mga opisyal at kawani ng gobyerno na manatiling non-partisan ngayong papalapit ang eleksyon.
Sa isang pahayag, nilinaw ng CSC na maaari pa ring mag-like, share at comment sa mga social media post, pero sa isang kondisyon.
Ayon sa CSC, papayagan pa rin ang naturang mga aktibidad basta’t hindi ito nanawagan ng suporta pabor sa sinumang kandidato ngayong campaign period.
Ayon sa CSC, ang memorandum order ay nagpapaalala lang sa responsable at maingat na paggamit ng social media upang hindi masangkot sa alinmang partisan political activities ang mga taong gobyerno.
Una rito, umani ng batikos sa mga netizens ang naturang memorandum order dahil nilalabag umano nito ang karapatan sa pamamahayag.