
Nanindigan ang New NAIA Infra Corporation sa anunsyo na hindi na nito itutuloy ang rehabilitasyon sa NAIA Terminal 4.
Sa press conference sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA 3, sinabi ni NNIC General Manager Angelito Alvarez na mapanganib para sa flight operations kung itutuloy pa ang pag-operate sa nasabing terminal.
Sa halip aniya, gagawin na lamang ang NAIA 4 na international cargo terminal.
Tiniyak din ni Alvarez ang patuloy na pagdadagdag ng parking areas sa NAIA terminals para sa kaginhawahan ng mga pasahero.
Facebook Comments