CSC, nagbabala sa mga kawani ng gobyerno na naglalaro ng online games sa oras ng trabaho

Manila, Philippines – Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga government officials na naglalaro ng online games sa oras ng trabaho.

Ito ay matapos magpalabas si Naval, Biliran Mayor Gerard Espina ng Memorandum Order na nagsasabing marami umano silang empleyado na napaulat na naglalaro ng mobile games sa oras ng trabaho.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, sa ilalim ng kasalukuyang batas, maaring maparusahan ang isang empleyado ng gobyerno na naglalaro ng mga online games sa oras ng trabaho kahit pa sariling gadget ang gamit niya.


Giit ni Lizada, ang naturang gawi ay maaring maikonsidera sa ilalim ng conduct prejudicial to the best interest of the service at iba pa.

Sa ilalim ng CSC Resolution no 1701077-2017 Rule on Administrative Cases in the Civil Service, ang sinumang lalabag sa unang pagkakataon ay masususpende ng anim na buwan at isang araw hanggang isang taon habang sa pangalawang offense ay matatanggal na ito mula sa serbisyo.

Facebook Comments