Nakiusap ang isang opisyal ng Civil Service Commission (CSC) sa mga mambabatas na iprayoridad ang panukalang batas na layong ibaba ang retirement age.
Pagkokonsidera ito para sa kaligtasan at kalusugan ng mga tao ngayong pandemya.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, ang mga kawani ng gobyernong nakatakdang magretiro ay mapapabilang na sa vulnerable group dahil sa kanilang edad.
Ang kasalukuyang pandemya ang nagtutulak sa mga government workers na maagang magretiro.
Matagal na dapat binago ang retirement age lalo na ang Pilipinas ang may pinakababang retirement age sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang optional at mandatory retirement ages sa mga ASEAN member-states ay mula 40 hanggang 55 at 50 hanggang 60.
Batay sa kanilang konsultasyon sa national government agencies, employees’ association, Local Government Units at human resources practitioners, pabor sila na dapat payagan ang mga manggagawa na maagang magretiro.