CSE-PPT, tuloy na sa ibang rehiyon

Tuloy na ang pagsasagawa ng Pen and Paper Test (PPT) para sa Professional at Subprofessional levels sa career service examination ayon sa Civil Service Commission (CSC).

Ayon sa CSC, sa darating na ika-18 ng Hulyo isasagawa ang pagsusulit sa mga rehiyon ng VI, VII, IX, XII at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Posible namang mabago ang listahan ng testing centers depende sa sitwasyon ng COVID-19 sa lugar.


Ang aplikasyon para sa pagsusulit ay magaganap mula Mayo 14 hanggang Hunyo 3 na may first-come, first-served basis.

Facebook Comments