PBA teams, pinayagan nang mag-ensayo sa GCQ

Pinayagan nang mag-ensayo ang mga koponan sa ilalim ng Philippine Basketball Association (PBA) matapos ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR Plus.

Ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF), hindi na kailangan pang pumunta sa Ilocos Norte at Batangas ang mga manlalaro para sa league’s practice sessions.

Matatandaang una nang nagtungo sa lokasyon ang Meralco Bolts team matapos makakumpleto ng safety protocols upang makapag-ensayo pero pababalikin din ito kaagad.


Facebook Comments