Nakatakdang magsagawa ng truck holiday ang grupong Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) upang iparating ang kanilang mga kahilingan sa pamunuan ng Bureau of Customs (BOC).
Sa ginanap na press conference sinabi ni CTAP President Mary Zapata, napakalaki umano ang kanilang mga hinaing at lalong lumalala dahil walang ginagawa ang gobyerno.
Halimbawa ni Zapata, kapag nagkamali ng pasok ang isang trak sa Manila International Container Port (MICP), ito ay pinipigilan at kailangan magbayad ng Php5,600 bawat araw kung saan abonado pa ang trucking ng Php2,000 net income bawat biyahe.
Giit pa ni Zapata na pasakit din ang usapin ng container deposit, lalo na ang color coding sa loob ng BOC.
Hiniling nila na dapat ay upuan ang mga bagong sistema ng MICP kung saan ipinatutupad ang naturang sistema ng walang konsultasyon.