CTG SUPPORTER, KUSANG SUMUKO

Sa patuloy na pinaigting na kampanya ng gobyerno kontra sa Communist Terrorist Group (CTG), isang indibidwal na dating sumusuporta sa nasabing grupo ang boluntaryong sumuko sa mga otoridad

Itinago siya sa alyas “Ali”, 57-taong gulang, may asawa, karpintero, at residente ng Caquilingan, Cordon, Isabela.

Sa pakikipagtulungan ng 2nd IPMFC at PIU-IPPO, RIU2-PIT Isabela, 205th MC-RMFB2, 86th IB ng 5ID Philippine Army at Cordon Police Station, napadali ang pagsuko at pag-alis ng suporta ng nasabing indibidwal laban sa mga CTG.

Samantala, ang nasabing boluntaryong pagsuko ni alyas Ali ay resulta ng isinasagawang mga aktibidad na “Suporta sa Komunidad” ng PNP.

Kaugnay nito, nasa pangangalaga na ng mga otoridad ang nasabing sumuko para sa gagawing tactical interview at dokumentasyon.

Facebook Comments