Magpapatuloy hanggang October 31, 2019 ang culling operation sa mga barangay na apektado ng African Swine Fever sa Bayambang Pangasinan.
Sa session ng Sangguniang Panlalawigan sinabi ni Mayor Cezar Quiambao, 367 na baboy galing sa barangay Apalen ang dumaan sa culling operation, 295 sa catarak, 171 sa Inerengan at 81 na baboy sa Carungay na sumatotal ay nasa 914 na baboy na ang idinaan sa culling operation.
Ipagpapatuloy umano ng lokal na pamahalaan ang operasyon hanggang sa pagtatapos ng buwan upang masigurong hindi ito kakalat sa mga kalapit na bayan.
Inaasahan din na idedeklarang ASF free ang bayan sa darating na November 18, 2019 matapos ang 30 araw ng pagpapalabas ng executive order sa pagbabawal sa pagpasok at pagpapalabas ng mga baboy at produkto nito.
Kung hindi man maideklara sa nasabing araw, inaasahan na ito ay sa darating na December 18, 2019.
Sa ngayon, patuloy ang relief operation sa mga apektadong hog raisers na nag surrender ng kanilang mga baboy upang idaan sa Culling operation.
###