Culling operations ipinagpapatuloy sa Bayambang Pangasinan, ASF target makontrol bago sumapit ang Disyembre

Aabot sa siyam na raan at labing apat na mga baboy na sakop ng 1kilometre radius mula sa Brgy. Apalen,Bayambang ang sumailalim sa culling operations ngunit patuloy ang pakikipag usap ng otoridad sa mga apektadong hog raisers sa bayan dahil sa ASF.
Ayon kay PLTCOL. Marcelino Desamito, hepe ng Bayambang PNP, na kinordon na nila ang lugar at sumailalim na umano sa culling ang lahat ng baboy sa Brgy. Apalen kung saan nagsimulang magpositibo sa ASF ang mga baboy habang nasa pitumpung porsyento ang tapos na sa culling sa Brgy. Carungay, habang sa Inerangan at Tatarac ay patuloy sila sa pakikipag usap.
Ang apat na barangay umano ay sakop lamang ng 1 kilometer radius at kung aakyat sa 7 kilometer radius ay nasa animnapu’t apat na barangay ang apektado.
Samantala, target ng otoridad na tuluyang makontrol ang ASF bago pa sumapit ang Disyembre.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng otoridad kung saan nga ba nagsimula ang pagkalat ng ASF sa bayan.

Facebook Comments