Hotshots, inilampaso ang Dyip; 118-103

Nakabangon ang Magnolia Hotshots mula sa kanilang tatlong sunod na talo matapos ilampaso ang Columbian Dyip sa score 118-103 sa PBA Governor’s Cup.

Ayon kay best player – Romeo Travis (28 points) – kailangang maging ‘head on’ sa laro kahit hindi pa magaling ang kanyang bukung-bukong (ankle).

Para kay coach Chito Victolero – dapat maipanalo ang laro dahil nasa pang-pitong puwesto sila habang nasa 6th spot ang Dyip kaya nang manalo sila ay nabaligtad na ang sitwasyon.


Hawak na ng Magnolia ng 4-wins at 4 loses.

Facebook Comments