Culminating activities ng Masskara Festival sa Bacolod, dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dadalo bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa culminating activities ng Masskara Festival sa Bacolod City.

Ayon kay Office of the Press Secretary OIC Usec. Cheloy Garafil, ang pagdalo ng pangulo sa famous festival sa mundo ay nagpapakita na committed ito para sa promosyon ng local tourism para sa muling pagpapayabong ng turismo sa bansa matapos ang dalawang taong pandemya.

Hinikayat ng pangulo ang mga Pilipino na makiisa sa Masskara Festival kasabay ng pag-explore sa lalawigan ng Bacolod na tinaguriang City of Smiles.


Naniniwala ang pangulo na malaki ang maitutulong ng pagyabong ng turismo sa bansa sa pag-angat ng ekonomiya.

Kumpiyansa rin ang Punong Ehekutibo na ang lahat ng inisyatibo ng Department of Tourism (DOT) ay mag-aangat sa turismo ng bansa at magbibigay ng mas maraming trabaho.

Bago ang pagdalo ng pangulo sa Masskara Festival, dadalo muna ito sa inagurasyon ng The Upper East at unveiling ng township marker ng lungsod ng Bacolod.

Facebook Comments