DOH, nilinaw na wala pang community transmission ng bagong COVID-19 subvariants

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na wala pang community transmission ng COVID-19 subvariants.

Sa halip, local transmission lamang na maituturing ang mga naitalang kaso ng xbb at xbc subvariants.

Nagbabala naman ang DOH na posibleng tumaas ang kaso ng infection sa mga susunod na araw.


Gayunman, wala pa rin aniyang katibayan na ang naturang subvariants ay magdudulot ng severe o critical na epekto sa mga tatamaan nito.

Ito ay bamaga’t iniulat ng ilang eksperto na ang xbc variant ay pinaghalong Delta at BA.2 subvariants

Facebook Comments