Isasara muna sa publiko ang Cultural Center of the Philippines (CCP) sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon simula January 2023.
Ito ang inanunsyo ni CCP President Margarita Moran-Floreindo sa pagdinig ng Senate Cultural Communities Committee kahapon.
Ayon kay Moran-Floreindo, ito ay upang isaialim sa renovation ang buong gusali at sa structural retrofitting.
Kaugnay nito ay umapela ito ng karagdagang pondo na aabot sa P390 million para sa mga rental agreement ng mga tanggapan na kailangang umalis mula sa main building na magsisimula ngayong Nobyembre.
Target kasi ng CCP na magrenta ng espasyo sa Design Center of the Philippines para sa kanilang Artistic Department habang ang mga executive office ay balak lumipat pansamantala sa Ramon Magsaysay Building.
Kasama rin dito ang pagrenta ng mga performance venues at ang pagbuo ng Liwasang Ampitheater.
Sinsilip naman ng CCP na ibalik sa publiko ang main building sa March 2025.