ES Vic Rodriguez, posibleng i-subpoena ng Blue Ribbon Committee – Sen. Risa Hontiveros

218

Nagbabala si Senator Risa Hontiveros na hindi malabong mapilitan ang Senado na magisyu ng subpoena para kay Executive Secretary Victor Rodriguez.

Ito ang sinabi ni Hontiveros sa gitna pa rin ng patuloy na pandededma ni Rodriguez na muling humarap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa sugar order no. 4.

Giit ng senadora, napakasimple lang ng pinapagawa ng Blue Ribbon Committee at ito ay ang iharap ni Rodriguez ang kanyang sarili sa komite para sagutin ang kanyang testimonya sa iligal na SO4.


Inihalimbawa ni Hontiveros na maraming matataas na opisyal ng pamahalaan at cabinet secretaries ang personal na humarap sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee tulad nina dating Vice President Jejomar Binay at dating Executive Secretary Jojo Ochoa.

Aniya pa, habang patuloy na hindi humaharap si Rodriguez sa pagdinig ay lalo lamang dumarami ang mga hinala laban sa kanya.

Bukod dito ay nagaabang rin ang mga magsasaka at ang mga Pilipino sa pagharap at sa mga isasagot ni Rodriguez kaugnay sa isyu ng kontrobersyal na sugar importation order.



Facebook Comments