Cultural fashion show event sa Malacañang, hindi ginamitan ng public fund

Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na hindi gumamit ng public fund o walang pondo ng pamahalaan ang ginastos sa cultural fashion show project ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Goldsberg Mansion sa Malacañang Complex noong August 7.

Ayon kay Deputy Social Secretary Dina Arroyo-Tantoco, nagmula ang pondo sa mga designers at pribadong institusyon na kabalikat sa naturang event.

Ani Tantoco, nais ng proyektong ito na bigyan ng pagkakataon ang mga artists na ipamalas ang kanilang likha, sa isang historical setting na mayroong kinalaman sa cultural identity ng bansa.


Layunin din nito na magkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng creative industry, at lumikha ng demand para sa local fabrics at disenyo na sumasalamin sa ‘cultural identity’ ng Pilipinas.

Facebook Comments