Bahay ni dating COMELEC Chair Sheriff Abas, pinasabugan

Hinagisan ng granada ang labas ng tahanan ni retired Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sherif Abas sa Narra St., Brgy. Rosary Heights 3, Cotabato City.

Sa report ni Cotabato City Chief of Police Col. Querubin Manalang Jr., sa Kampo Krame, sinabi nitong alas-7:50 naganap ang pagsabog.

Inakala umano ng mga tao sa paligid na pumutok na transformer ang kanilang narinig pero nakita sa kalsada ang crater at mga pira-pirasong granada.


Sinabi naman ni Querubin na walang nasawi o nasaktan sa nasabing pagsabog ngunit tinamaan ng shrapnel ang nakaparadang SUV sa bahay.

Wala naman umano sa loob ng bahay ang nanay ni Abas nang mangyari ang insidente.

Samantala, kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente at inaalam pa kung sino ang nasa likod nito maging ang motibo sa pagpapasabog.

Facebook Comments