Monday, February 2, 2026

CULTURAL MAPPING PROJECT, INILUNSAD SA SAN NICOLAS

Mas pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ng San Nicolas ang papel ng komunidad sa pangangalaga ng lokal na pamana sa pormal na pagsisimula ng Cultural Mapping Project noong January 29, 2026.

Sa pamamagitan ng isang Scoping at Orientation Meeting, tinipon ang iba’t ibang sektor upang matiyak na ang pagdodokumento ng kultura ay nakaugat sa tunay na karanasan at kaalaman ng mamamayan.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Municipal Tourism, Culture and Arts Council, at iba pang tanggapan na nangangasiwa sa sektor ng turismo.

Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos sa pagtatala ng mga tradisyon, sining, at kasaysayan ng bayan.

Napapanahon ang paglulunsad ng proyekto kasabay ng paghahanda ng lokal na pamahalaan para sa nalalapit na tour-guiding training, bilang bahagi ng adbokasiya para sa isang kulturang may malasakit at responsableng turismo.

Nagpahayag din ng suporta ang iba’t ibang sektor ng komunidad sa inisyatiba, kabilang ang mga kinatawan ng DepEd, Sangguniang Kabataan, mga hepe ng tanggapan ng lokal na pamahalaan, at mga lokal na negosyante.

Facebook Comments