Curfew hour sa QC, paiiksiin na simula mamayang gabi

Simula mamayang gabi, paiiksiin na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang curfew hours sa ilalim ng umiiral na General Community Quarantine (GCQ).

Base sa bagong panuntunan, magsisimula na ang curfew hours mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Ito’y mula sa dating alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga na unang ipinatupad nang magsimula ang COVID-19 lockdown noong March 15, 2020.


Sa ilalim ng bagong curfew hours, lahat ng tao ay dapat nasa loob na ng kanilang bahay maliban sa mga nasa labas pa dahil sa kanilang trabaho, kapag nasa emergency na pangangailangan at pati na ang mga bibiyahe sa eroplano at barko.

Papayagan na rin ng City Government ang dine-in sa mga restaurant simula rin ngayong araw.

Pero obligado ang mga ito na sumunod sa health protocols ng Department of Health at pagsulat ng pangalan at contact number ng mga costumer sa logbook para sa posibleng contact tracing pati na ang mga restaurant staff.

Facebook Comments