Curfew hours at Checkpoints sa Muntinlupa, paiigtingin

Maghihigpit ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa sa pagpapatupad ng curfew hours at pagbabantay bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Batay sa inilabas na city ordinance ay paiiralin ang curfew hours sa lungsod simula alas-12:00 ng hating-gabi hanggang 3:00 ng madaling-araw.

Hindi naman sakop ng curfew ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR), health staff at workers.


Plano rin ng lungsod na ibalik ang mga checkpoint sa barangay boundaries.

Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P300 sa unang pagsuway, P500 sa ikalawang paglabag habang P1,000 naman sa ikatlong paglabag.

Facebook Comments