Mangaldan Pangasinan – Sa nalalapit na pagbubukas ng klase patuloy ang kampanya ng kapulisan upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga kabataan. Parte ng kampanya ng PNP Pangasinan ang siguruhing maging ligtas at payapa ang bawat kumonidad para sa kapakanan ng lahat.
Sa bayan ng Mangaldan Pangasinan mas pinaigting ng kanilang kapulisan ang pagpapatupad ng curfew hours. Ito ay upang siguruhing nasa loob na ng mga tahanan ang mga menor de edad na mga kabataan at mailayo sa kapahamakan at sa mga ilegal na gawain.
Sa ngayon ay aktibo ang pagroronda ng mga patrol nila at pagbisita ng kanilang mga tauhan sa mga lugar kung saan madalas magtambay ang mga kabataan tulad ng computer shops. Ayon kay sa hepe ng PNP Mangaldan na si PLtCol Charlie Angya-on ang kanilang pagpinapatupad na curfew hours operation sa bayan ay alinsunod sa ordinansa ng LGU Mangaldan na binibigyan nila ng diin upang makatulong sa pagbawas ng kriminalidad sa kumonidad.