Manila, Philippines – Wala ng curfew ang mga kabataan sa Maynila at Navotas.
Ito ay matapos ideklara ng Korte Suprema na labag sa saligang batas ang mga ordinansa tungkol sa curfew sa dalawang lunsod.
Batay sa desisyon ng Supreme Court noong Agosto, pumanig sila sa pagkuwestyon ng grupong samahan ng mga progresibong kabataan o spark na labag sa saligang batas ang ordinansa.
Pati na rin ang ordinance number 2002-13 sa Navotas City.
Kahit na pinoprotektahan ng mga ordinansa ang karapatan sa pag-aaral, pagta-trabaho at pagbiyahe sa gabi mula sa eskuwela o trabaho bigo ang mga ito na maisulong ang iba pang karapatan ng mga menor de edad.
Sa kaso naman ng manila ordinance, masyadong limitado ang mga exemption kaya nasasagasaan din ang mga kalayaang protektado ng batas.
Labag din sa probisyon ng juvenile justice and welfare act, na nagbabawal sa pagpataw ng parusa sa mga juvenile offender ang mga parusang multa o kulong.
Nirerespeto naman ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pasya ng Korte Suprema.