Curfew sa mga menor na nagbababad sa computer shops sa dis-oras ng gabi, ipatutupad ng Quezon City government

Quezon City – Ipatutupad na rin ang curfew sa mga kabataan na mahilig magbabad sa mga computer shops dis-oras ng gabi sa lungsod ng Quezon.

Matapos pagtibayin ang resolusyon ni City Councilor Julienne Alyson Rae Medalla, inaatasan na ang Quezon City Police District at mga pinunong barangay at mga school officials na i-regulate ang operasyon ng internet cafes at computer rental shops para sa mga menor de edad.

Sa ilalim ng ordinansa, pagbabawalan na ang mga menor de edad na makapasok sa mga computer shop paglampas ng alas onse ng gabi.


Pinaliwanag ng City Council na bagamat itinuturing ang computer systems at internet access bilang kasangkapan sa pagkuha ng kaalaman, dapat din bantayan ang hindi na angkop na gamit nito lalo na kung nakasasagabal na sa pag-aaral.

Facebook Comments