Namamatay sa Marawi crisis, nadagdagan pa

Marawi City – Umabot na sa 956 ang bilang ng mga napapatay sa patuloy na sagupaan sa Marawi City sa ika-136 na araw ng krisis sa Marawi City.

Sa kabuuang bilang, 753 ang napatay na miyembro ng teroristang Maute Group; 47 sibilyan ang nadamay sa bakbakan; at 156 naman ang nalagas sa tropa ng pamahalaan.

1,750 na mga hostages ang nailigtas, habang 805 na armas ang narekober at 14 ang nasamsam na improvised explosive device.


Sa ngayon ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nanatili sa 5 hanggang 7 ektarya na lamang ng lugar sa Marawi na may presensya ng Maute Terrorists Group.

Facebook Comments