Minadanao – Isinusulong ni Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino ang pagkakaroon ng curfew para sa mga menor de edad sa Mindanao.
Ayon kay Tolentino, higit kasi itong makakatulong para mabawasan ang kaso ng kriminalidad na siyang makakatulong sa anti-criminality campaign ng administrasyong Duterte.
Nais din ni Tolentino na gayahin ang ordinansa sa isang bayan sa Luzon kung saan pinapatawan ang mga kabataan ng mula alas diyes ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga na curfew.
Ang magulang ng menor de edad na lalabag sa ipinataw na curfew ay magkakaroon ng kaukulang parusa kasama na ang lokal na opisyal at mga barangay tanod.
Facebook Comments