Curriculum sa elementarya hanggang sekondarya, panahon na para bawasan

Pinababawasan ni Senator Win Gatchalian sa Department of Education (DepEd) ang curriculum mula elementarya hanggang high school para mas madaling matuto ang bawat mag-aaral.

Paliwanag ni Gatchalian, masyadong siksik ang curriculum kaya nahihirapan ang mga mag-aaral na matutunan ang mga itinuturo sa kanila sa bawat subject.

Mungkahi ito ni Gatchalian sa DepEd kasunod ng lumabas na report ng World Bank na ang 80 percent sa mga Pilipinong mag-aaral ay mababa sa minimum proficiency levels.


Giit ni Gatchalian, na syang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, mas mainam na ituon ang curriculum sa mga subject na pakikinabangan o magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang buhay.

Facebook Comments