Custody sa kaanak ng sangkot sa Percy Lapid killing, pinasa ng DSWD sa DOJ

Ipinasa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Department of Justice (DOJ) ang custody sa kaanak ng sangkot sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, inilapit sa kanila ang nasabing indibidwal kaya agad nilang dinala sa DOJ.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, 1 hanggang 3 indibidwal na may koneksyon sa isyu ang isinailalim nila sa Witness Protection Program (WPP).


Hindi naman na nagbigay ng dagdag impormasyon ang dalawang kalihim kaugnay sa mga nagpasailalim sa pangangalaga ng WPP ng DOJ.

Napag-alaman na kapatid na babae ng namatay na middleman ang nagpasaklolo sa DSWD at DOJ.

Facebook Comments