Customer, kinansela ang order dahil 4 minutong late ang delivery rider

(Keith De Guzman Facebook)

Hindi na binayaran, binigyan pa ng bad rating ang isang Lalamove rider matapos ma-late ng apat na minuto sa pagdedeliver ng inorder na pagkain ng isang babae.

Sa galit ay ibinahagi ng rider na si Keith De Guzman sa Facebook ang pangit na karanasan mula sa isang customer na tila hindi alintana ang pagsisikap na ginawa niya para lang maihatid ang inorder nito.

Saad niya, “Maam sige wag niyo na bayaran. Labas ka dito subuan nalang kita. Kakain lang tayo. promise. Wew. #CODProblems.”


Makikita ang convo ni De Guzman at ng babaeng nagkansela dahil lang late siya ng apat na minuto.

Mababasa sa mensahe na 1:57pm ay nagtext na malapit na sa paroroonan si De Guzman.

Bandang 2:24 pm naman nang makarating ito sa bahay ng kanyang customer.

“Kuya nakanote po don sa deliver by 2:20 pm diba?,” sagot ng babae kay De Guzman.

Makikita ring humingi pa ng paumanhin ang rider at ipinaliwanag na bandang 1:50pm na umano niya nakuha ang booking nito.

“Pero dumiretso naman po ako agad sa pick up area. Sorry po 4mins late. :(,” paliwanag ni De Guzman.

Ngunit sa huli ay hindi pa rin kinuha ng customer ang order at sinabing, “Ikaw na lang po kumain niyan. Yung daddy ko sana magbabayad niyan. Umalis na siya.”

Sinabi naman ni De Guzman sa customer na COD basis ang kanyang pagbabayad ngunit hindi na ito nakatanggap pa ng sagot mula sa naturang babae.

“Sige ma’am. Labas na lang po kayo. Wag mo na bayaran. Hati na lang tayo baka di ko po maubos to eh,” mensaheng idinaan na lang sa biro ni De Guzman.

Ibinahagi rin niya sa kanyang Facebook ang natanggap na rating.

(Keith de Guzman Facebook)

Samantala, ang naturang post ay nakatanggap ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa netizens.

Marami ang nagalit sa naturang customer at marami rin ang nagpahatid ng suporta kay De Guzman.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 5K likes, 1.3K shares at mahigit 600 comments ang post online.

Facebook Comments