Customer satisfaction, prayoridad ng 4R’s plumbing services

18

Sa isang negosyo, customer satisfaction ang unang-unang prayoridad para masigurong babalikan sila ng mga ito.

Kaya naman sa interview ng Business as Usual, ibinahagi ng may-ari ng 4R’s Plumbing Services na si Maria Linda Cabaddu na parte na ng motto nila ang masigurong nabibigyan ng maayos na serbisyo ang customers.


Bukod diyan, nagiging tulong na rin aniya ito para magbigay ng trabaho lalo na’t nasa COVID-19 pandemic pa rin tayo.

Ayon pa kay Cabaddu, kinukuha rin niya para magtrabaho ang mga miyembro ng pamilya kagaya ng pamangkin at kahit mga anak lalo na’t nagsimula sila bilang isang family business.

Facebook Comments