Fully vaccinated senior citizens, pwede nang lumabas!

85

Pwede nang lumabas ng kanilang tahanan ang mga senior citizens na nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.

Para ito sa mga senior citizen na nakatira sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ areas.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinakailangan lamang nilang magpakita ng COVID-19 vaccination card at manatiling sumunod sa minimum public health standards.

Pero paglilinaw ni Roque, kahit fully vaccinated, ipinagbabawal pa rin sa mga senior citizens ang interzonal travel maliban sa point-to-point travel na una nang pinahintulutan ng IATF.

Facebook Comments