Customs broker Mark Taguba, pinagsasampa ng kaso laban kay Vice Mayor Paolo Duterte

Manila, Philippines – Pinayuhan ng ilang mambabatas si Customs Broker Mark Taguba na magsampa na lamang ng kaso o reklamo sa Department of Justice laban kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ayon kay Batocabe, kung may ebidensya at iba pang impormasyon si Taguba laban sa Bise Alkalde ay ang DOJ ang tamang forum para dito.

Mainam aniya ito para dumaan sa legal na proseso ang anumang reklamo laban kay VM Duterte na makapagpapatunay na dawit nga ito sa Davao Group na nangongolekta ng tara sa Customs.


Kung puro na lamang pagsabit ng mga pangalan ang gagawin ni Taguba sa Senate at House investigation ay walang mangyayari dito kundi ang walang katapusang imbestigasyon.

Nagtataka naman si Batocabe na parami nang parami ang mga isinasabit ni Taguba habang tumatagal ang pagharap nito sa Senado.

Facebook Comments