CVCHD, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG WORLD SIGHT DAY SA LUNGSOD NG SANTIAGO

CAUAYAN CITY – Nakiisa sa World Sight Day ang Cagayan Valley Center for Health Development sa pamamagitan ng Health Promotion Unit na ginanap sa Santiago City.

Pinangunahan ito ng Pamahalaang Panlungsod ng Santiago at City Health Office katuwang ang Integrated Philippine Association of Ophthalmologist Isabela Chapter at Isabela Eye Specialist.

Nagkaroon ng talakayan patungkol sa kahalagahan at tamang pangangalaga ng paningin at mata.


Kasunod nito ay ang visual and eyes screening sa mga mag-aaral ng elementarya at sekondarya kung saan nabigyan sila ng mga eyeglasses.

Facebook Comments