Friday, June 12, 2026

10% food stocks, sapat sa demand ng bansa —PBBM

Kampante si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananatiling matatag ang presyo ng processed foods sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Marcos, direkta nilang kinakausap ang mga supplier at manufacturer upang bantayan ang suplay at presyo ng mga pangunahing pagkain.

Ang kasalukuyang stock ng pagkain ay nasa humigit-kumulang 10% ng kabuuang supply, at hindi lamang ito sa iisang pasilidad kundi maging sa iba pang food processors at retailers na may maayos ding imbentaryo.

Inatasan naman ng pangulo na tutukan ang suplay ng pagkain at palaging makipag-ugnayan sa mga manufacturers.

Mahalaga aniyang matiyak sa mga imbentaryo na available ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga Pilipino.

Facebook Comments