CVMC, Nangangailangan ng Maraming Health Workers

Cauayan City, Isabela- Inanunsyo ng medical chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na mangangailangan ang ospital ng maraming healthcare workers lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Glenn Mathew Baggao, pinuno ng CVMC, dahil aniya sa 1,000 beds na idinagdag sa ospital ay kinakailangan din ang karagdagang mahigit 2,000 na mga health workers na kung saan karamihan sa kukunin ay mga nurses.

Sakaling maaprubahan aniya ngayong taon ang kanilang pagdadagdag ng empleyado ay sisimulan na ang kanilang pagtanggap ng mga aplikante.


Samantala, nangangailangan din ngayon ang CVMC ng 60 na medical workers na kinabibilangan ng mga nurses at Medtech at huling araw na ngayon ang pagsusumite ng application.

Magsisimula aniya ang mga makukuha sa May 3 at sasahod ng 33,575 kada buwan kasama ang makukuhang hazard pay.

Mensahe ni Baggao sa mga nais mag-apply na samantalahin ang pagkakataon at upang mas mapabilis ang pagbibigay serbisyo ng ospital sa mga pasyente.

Facebook Comments