Sa halip na engrandeng selebrasyon, pagtulong sa mga Pilipino sa gitna ng pandemya isinagawa ni KC Concepcion sa kaniyang kaarawan

194

Imbes na engrandeng selebrasyon, mas pinili ng aktres na si KC Concepcion na ilaan sa mas makabuluhang bagay ang isa sa mga espesyal na araw ng kaniyang buhay.

Sa programang Cornerstone Entertainment’s Facebook show na Grateful Tuesdays, inilahad ni KC ang kaniyang plano upang matulungan ang mga Pilipino sa gitna ng pandemyang nararanasan ng bansa.

Magbibigay ang aktres ng anim na bike sa anim na mapapalad niyang mga fans.


Itinuturing namang blessings ni KC ang bagay na ito dahil para sa kaniya, mas meaningful ang isang kaarawan kung makakatulong ka sa komunidad.

Sa ngayon, pinaplano na ni KC na magkaroon ng isang donation drive at pagbibigay na rin sa community.

Facebook Comments