Cyber audit sa NGCP facilities, isinulong ng isang senador

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Risa Hontiveros sa pamahalaan at independent experts na magsagawa ng inspeksyon at cyber audit sa buong pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Sa kanyang privilege speech ay iginiit ni Hontiveros na hindi totoo ang pahayag ng China na ‘advisory role’ lang ito sa NGCP na siyang nagpapadaloy ng kuryente sa buong bansa.

Sa kanyang talumpati ay nagpresenta pa si Hontiveros ng mga dokumento na nagpapatunay na ang Tsina ang may buong kontrol sa operasyon at maintenance ng NGCP.


Diin ni Hontiveros ang chairman ay Chinese, at halos lahat ng contractors ay Chinese, pati ang systems software gawa sa China, at ang training ay sa China din.

Inilabas din Hontiveros ang listahan ng 43 kontrata sa NGCP na ini-award sa mga Chinese corporations.

Malinaw ayon kay Hontiveros na nakakabahala ang posibleng implikasyon ng dayuhang pwersa sa ating power sector at sa ating seguridad.

Kaugnay nito ay pinaparepaso din ni Hontiveros ang concession agreement at legislative franchise ng NGCP.

Facebook Comments