Umarangkada na kahapon ang isang linggong Cyber Defense Exercise (CYDEX) bilang bahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Exercise (AJEX) ‘DAGIT-PA’ ng AFP.
Ayon kay Major General Francisco Ariel Felicidario III, Commander ng AFP Education Training and Doctrine Command at Exercise Director ng AJEX ‘DAGIT-PA’ 2021, ginawa ang pagsasanay para mas maging bihasa ang militar sa pagtugon sa mga cyber attack.
Kasama sa pagsasanay ang mga AFP Cyber Unit mula sa AFP Cyber Group, Communications, Electronics and Information Systems Service AFP at Major Service Cyber Units, kabilang ang composite cyber units sa ilalim ng Visayas Command.
Ang Cyberspace ay itinuturing ng AFP bilang pang-apat na “domain” ng kanilang mga operasyon, kasama ang Dagat, Langit at Lupa (DAGIT).
Ang DAGIT-PA joint exercise na sinimulan kahapon at magtatanggap hanggang November 19 na layuning mapag-isa ang Joint Operations capabilities ng major services ng AFP.