CYBER FRAUD | 2 Korean nationals, arestado ng BI

Quezon City – Dalawa pang Korean nationals na wanted sa cyber fraud sa kanilang bansa ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI).

Kinilala ang mga Koreano na sina Jang Kilwan, 36-anyos at Lee Junhee, 28-anyos na kapwa naaresto sa kanilang condominium unit sa Fairview, Quezon City.

Nabatid na sina Jang at Lee ay mahigit tatlong taon nang nagtatago sa Pilipinas.


Inilagay na ang dalawa sa blacklist ng BI at sila ay nakatakdang ipa-deport.

Facebook Comments