Manila, Philippines – Bigo pang maghain ng counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) si Rappler CEO Maria Ressa at iba pang respondents sa cyber libel case na inihain ng NBI at ng negosyanteng si Wilfredo Keng.
Tanging ang isa sa mga akusado lamang na si Rappler Director Jose Maria Hofileña ang nakapag-subscribe sa kaniyang counter-affidavit.
Sa April 10 ang susunod na pagdinig sa kaso kung saan ang complainant na si Keng ay inaasahan naman na magsu-subscribe sa kaniyang complaint.
Ang reklamong cyber libel laban kina Ressa at walong iba pang ng opisyal ng Rappler mula sa inilabas nilang article kaugnay sa pagmamay-ari raw ni Keng ang itim na SUV na ginagamit noon ni dating Chief Justice Renato Corona.
Nagsagawa pa ang NBI ng computer forensic examination sa website ng Rappler at napatunayang patuloy pa rin itong nakalathala sa Rappler hanggang sa kasalukuyan.
Kinasuhan din ang mga direktor at opisyal ng news site na sina Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo, Glenda Gloria, James Bitanga, Felicia Atienza, at Dan Alber De Padua.